top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Kandidatong nasa narco-list, tuloy — comelec

Madel Moratillo
Mar 17, 2019
1 min read

HINDI maaaring madiskuwalipika ang mga kandidatong nakasama sa inilabas na narco-list ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Paliwanag ni Commission on Elections (Comelec) Spokesperson James Jimenez, maaari lamang madiskuwalipika ang kandidato kung may final conviction na rito kaugnay sa kinahaharap na kaso.

Maaari lamang din aniya na maging pinal ang diskuwalipikasyon ng kandidato sa sandaling maisagawa ang lahat ng proseso at mismong ang Korte Suprema na ang magdedesisyon dito.

Gayunman, maaari aniyang makaapekto at makaimpluwensiya sa mga botante ang pagkakasama ng mga nasabing kandidato sa narco-list.

Una nang isinapubliko ni Pangulong Duterte ang mga pangalan ng mga pulitikong hinihinalang sangkot sa aktibidad ng iligal na droga sa bansa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page