top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Hamon sa gobyerno: Mga biktima ng panggagahasa, pang-aabuso at pagpatay, bigyan ng hustisya!

  • Ryan B. Sison
  • Mar 17, 2019
  • 1 min read

KASUNOD ng trahedya hinggil sa dalagita sa Cebu City, maraming ma­mamayan ang muling ipinanukala ang death penalty dahil naniniwala silang ito ang paraan para matigil na ang ka­rumal-dumal na pagpaslang sa mga indibidwal na walang kamalay-malay na binabawian ng buhay.

Gayunman, masyadong kumplika­do ang argumentong ito, pero sadyang nakababahala ang mga krimen na nangyayari ngayon sa ating bansa na karamihan sa mga nagiging biktima ay kababaihan at mga bata kahit mahigpit ang kampanya ng gobyerno laban sa iligal na droga na sanhi umano ng lahat ng kasamaan ay kaliwa’t kanan pa rin ang nahuhuling gumagamit at nagbe­benta nito.

Samantala, para sa iba, ito ang ta­mang pagkakataon para muling ipatu­pad ang death penalty dahil tila wala nang kinatatakutan ang mga taong gu­magawa ng kasamaan.

‘Yun nga lang, tiyak na marami pa ring tututol dito, partikular ang Sim­bahang-Katolika dahil naniniwala si­lang imoral ito.

Pero, ang tanong, matapos bang ma­kulong ang suspek sa nasabing krimen ay ganu’n na lamang ‘yun? Sapat na ba ito para pawiin ang sakit na nararam­daman ng mga biktima at kaya pa bang ibalik ang buhay na nawala?

Sa ngayon, hindi pa natin alam ang nararapat gawin, pero maniwala tayo na darating ang panahon na magka­karoon na ng paninindigan ang bawat isa at gobyerno para sa katarungang dapat ibinibigay sa mga pamilyang biktima ng nakapanlulumong trahedya sa ating bansa.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page