Davao Occidental niyanig ng 5.6
- V. Reyes
- Mar 17, 2019
- 1 min read

NAITALA ang Magnitude 5.6 na lindol sa bayan ng Don Marcelino sa Davao Occidental at naramdaman sa ilang lugar sa Mindanao, kahapon ng umaga.
Ayon kay Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) Director Renato Solidum, may lalim na 97 kilometro ang lindol na tectonic ang origin.
Naitala ang Intensity V sa Koronadal City habang naramdaman ang Intensity III sa Davao City.
Batay naman sa instrumental intensities, naitala ang Intensity V sa Alabel, Sarangani; General Santos City sa South Cotabato; Intensity IV sa Kiamba, Sarangani at Intensity III sa T’Boli, South Cotabato at Davao City.
Ani Solidum, hindi na nila inaasahang magdudulot ng pinsala ang lindol na normal na nararanasan umano sa nasabing lugar.
Gayunman, posible pa rin aniya ang aftershocks.





Comments