Dahil sa El Niño | STATE OF CALAMITY SA NORTH COTABATO

ISINAILALIM na sa state of calamity ang buong North Cotabato.
Kaugnay ito ng nararanasang tagtuyot sa naturang lalawigan dahil sa El Niño phenomenon.
Ginawa ng Sangguniang Panlalawigan ang deklarasyon sa rekomendasyon na rin ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).
Apektado ng labis na tagtuyot ang mga bayan ng Libungan, Carmen, Aleosan, Alamada, Matalam, Pigcawayan, M’lang, Pikit, Kabacan, Antipas at Tulunan.
Sa pagtaya, nasa P670 milyon na ang halaga ng pinsala sa pananim sa Kidapawan City at sa 17 munisipalidad ng probinsiya.
Kaugnay nito, naglaan na ang probinsiya ng pondo para sa cloud seeding operations para labanan ang epekto ng El Niño.





Comments