top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

CEU, NAKA-GRANDSLAM NA, WINALIS ANG C’SHIP SA MNCAA

A. Servinio
Mar 17, 2019
1 min read

NAKAMIT ng Centro Escolar University ang inaasam nilang grand slam matapos walisin ang Enderun Colleges, 67-49, at wakasan ng maaga ang kanilang seryeng best-of-three para sa 15th Men’s National Collegiate Athletic Association (MNCAA) Basketball tournament sa Rizal Memorial Coliseum Sabado.

Hindi naging madali ang tagumpay ng Scorpions dahil nilaro nila ang buong torneo na may siyam na manlalaro lamang para sa ikatlong sunod na tropeo para sa paaralan.

Wagi ang CEU sa unang laro ng serye noong Linggo, 61-48. Sinikap ng Titans na patagalin pa ang serye at agad umarangkada sa 8-0 na kalamangan sa likod nina Francisco Tancioco at kapitan Mark Joseph Nunez ngunit iyon na ang huling narinig mula sa kanilang panig.

Nagsanib-lakas sina Keanu Caballero at Malick Diouf upang baligtarin ang timpla ng laro at lumamang nang tuluyan ang Scorpions pagkatapos ng unang quarter, 15-11 at hindi na pumigil sa pagbuhos hanggang matapos ang 40 minuto.

Pinasok ng CEU ang unang 5 puntos ng last quarter upang lumamang, 51-34, at inalagaan nila ito ng husto sabay ng siyam sa 11 puntos ni Franz Diaz para masiguro ang kampeonato.

Nagtapos si Diouf na may 18 puntos at iginawad sa kanya ang dalawang Most Valuable Player award para sa buong torneo at para sa serye ng kampeonato.

Sinamahan siya sa Mythical Five ni Caballero na nagdagdag ng 15 puntos at sina Michael de la Cruz ng Enderun, Ivan Andaya ng PWU at Aaron Yanday ng UMak.

Kahit bagong hilom ang injury sa tuhod ay naglaro pa rin si Colince Wabo Kaptue at namuno sa Titans na may 15 puntos. Sinun­dan nina Nunez at Klyve Dungan na parehong may 8 puntos lang.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page