Bulding gumuho, higit 20 patay
HINDI bababa sa 20 ang nasawi sa pagbagsak ng school building sa Nigeria.
Ayon kay Lagos State Health Commissioner Jide Idris, nasa 43 katao na ang nailigtas sa search and rescue operation.
Napag-alaman na nakatakdang i-demolish ang tatlong palapag na gusali at iligal umano ang operasyon ng eskuwelahan sa dalawang palapag.
Gayunman, itinigil na ang rescue operation dahil naabot na ng awtoridad ang pundasyon ng gusali at wala nang nakitang biktima.
Karaniwan ang pag-collapsed ng mga gusali sa bansa ay dahil sa kawalan ng regulatory inspection.





Comments