top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Bagong narco-list, mga botante ang hahatol kung ibabasura o hindi

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 17, 2019
  • 1 min read

KASUNOD ng inilabas na bagong narco-list, sinabi ng Comelec na wala itong magiging epekto sa pagtakbo ng kandidato.

Matatandaang, pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 46 pulitiko na sangkot umano sa iligal na droga at walo umano sa kanila ay kapartido ng pangulo.

Ngayon, kung wa’ epek ang ibinulgar na narco-list dahil wala pang pinal na conviction, paano sila mapipigilang manatili o malagay sa puwesto? Simple lang, huwag iboto!

Gayunman, hindi rito natatapos ang usapin, lalo na at may mga pulitiko na nasa listahan ang pumalag at todo-tanggi na may kinalaman sa droga.

Anila, biktima lamang sila ng maruming taktika ng kalaban sa politika.

Sinundan pa ito ng pahayag ng Philippine National Police (PNP) na wala pa umanong sapat at matibay na basehan o ebidensiya ang gobyerno upang sampahan ng kasong kriminal ang mga pulitikong nasa bagong narco-list.

Nangangalap pa umano ng matitibay na ebidensiya para direktang madiin sa pagkakadawit ang mga tinaguriang narco-politician.

Bagama’t, marami pa umanong pangalan ang ilalabas sa mga susunod na araw, kabilang ang 82 hindi pa pinapangalanan ng pangulo subalit, kasama sa listahan.

‘Ika nga, nand’yan na ‘yan, tumpak man o palpak ang nasabing listahan, sa proseso at hatol na lang magkakaalaman.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page