top of page
Pokwang.jpg

ADAMSON U, NASA TOP RANKING NA SA FINAL 4 VS. NU SA UAAP SOFTBALL

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 17, 2019
1 min read

NAKAMIT ng defen­ding 8-time champion Adamson University ang top ranking sa Final Four matapos ang abbreviated 9-2 panalo kontra National University noong Huwebes sa UAAP Season ‘81 soft­ball tournament sa Rizal Memorial Baseball Stadi­um.

Kinailangan lang ng Lady Falcons ng apat na innings upang makamit ang ika-9 na panalo kontra isang talo, may dalawa pang la­rong nalalabi sa elimination round.

“At least, top seed kami ngayon. Ang mentality namin ngayon is mag-pre­pare para sa semis,” paha­yag ni Adamson University coach Ana Santiago.

Sa iba pang laban, kina­ilangan ng De La Salle ng extra inning upang maka­ungos sa University of the East, 8-7, at maangkin ang ikalawang semis berth.

Umiskor ng dalawang home runs si Charlotte Sales upang pamunuan ang UST sa kanilang abbreviated 7-0 panalo kontra Ateneo.

Umangat ang Lady Bat­ters sa barahang 7-3 kasu­nod ang Tigresses na may 6-4 na marka na nakalayo ng bahagya sa UP at NU na may patas na 5-5 na kartada.

Sa baseball, tumabla ang De La Salle sa pamumuno sa Ateneo na natalo sa NU, 1-6, pagkaraang igupo ang UST, 21-5. Wagi rin ang titleholder Adamson University kontra UP, 6-4, na nag-angat dito sa patas na barahang 4-4, kasalo ng Growling Tigers. (VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page