THY WILL, JADE MASTER, GINTONG LAWIN SA WTA

MAGKAKASAGUPA ang mga kalahok sa siyam na pakarera na kapapalooban ng Condition Race, 3 Year Old Maiden Race, Group Race at 3 Year Old and Above Maiden race sa Metro Manila Turf Club Inc.(MMTCI) sa Malvar, Batangas ngayong 3 p.m.
Kasabay nito, magaganap ang dalawang Winner Take All (WTA) at dalawang Pick 5 event, isang Pick 6 at Pick 4. Sa Race 1, kung saan magsisimula ang 1st.WTA event, pinapaboran ang “Thy Will” kung saan makakalaban ang Entry No.1 at “Yes Music”.
Susundan ng 1st Pick 5 sa Race 2 at binibigyan ng panalo ang Little Kitty, habang si Shadow Jane, Star of Matamis at Masumax ang makakalaban ng mahigpit. Sa Race 3, kung saan mag-uumpisa ang 2nd WTA, ipinapatok ang Jade Master sa pagtikada ng Condition Race (16) at mahigpit ang labanan sa pagitan ng Ravel at Bullish Desire sa 3 Year Old Maiden sa Race 4 na umpisa ng Pick 6.
Walong mananakbo ang magsasagupaan sa Race 5 at pinapaboran ang Gintong lawin at Lockdown, Beacon Street at Warrior Flame. Ipinapatok ang Don Damiano sa pagtikada ng Race 6 habang makakalaban ang Wakanda at couple entry na My Way at A Certain Smile. Balikatan ang labanan sa Race 7 sa pagitan ng Marahuyo at Baisakhi at sa Race 8 ay magkakasubukan sina All By Myself at couple entry na Purging Line at Couple Entry na Court of Justice at High Ranks.
Magsisilbing parating sa Race 9 ang Tonador Sprinter Strong Manzap, Airborne Magic at Couple entry na Indiana Sky at True Religion. Tip ni Mang Ding Race 1- Thy Will (4) Race 2- Little Kitty (2) Race 3-Jade Master (4) Race 4- Ravel (8) Bullish Desire (2) Race 5-Gintong Lawin (5) Lockdown(6) Race 6- Don Damiano (2) Wakanda (6) Race 7- Marahuyo (4) Baisakhi (3) Race 8- Entry No. 1 Entry No.2 Race 9- Tonador Sprinter(6) Show The Whip (2)





Comments