SEAG BASKETBALL AT VOLLEYBALL SA FILOIL AT SA PHILSPORTS NA

ILILIPAT ang basketball sa 2019 Southeast Asian Games sa FilOil Flying V Centre sa San Juan mula sa Mall of Asia Arena.
Ito ang pinahayag ni Philippine SEA Games Organizing Committee (PHISGOC) executive director Ramon ‘Tats’ Suzara sa panayam ng Radyo Pilipinas 2 kahapon. Ayon kay Suzara, nahirapan ang pag-book sa venue para sa SEA Games na gaganapin mula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 15.
Orihinal na gaganapin ang SEA Games men’s at women’s basketball sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
“In any multisports events, ganoon ang proseso especially ‘yung venues na private owned. The challenge here is in Metro Manila dahil alam mo naman na nandito ang big venues, mahirap kuhanin dahil sa mga bookings. Nagkaroon ng back-up plan and we were able to fund a solution. Now, basketball will be in FilOil,” saad ni Suzara.
Nauna nang nalipat ang venue ng volleyball sa Philsports Arena sa Pasig City o dating ULTRA mula sa Smart-Araneta Coliseum sa Quezon City.
Ililipat din ang venue ng gymnastics sa Rizal Memorial Coliseum mula sa SMX Convention Center.
Ayon kay Suzara, naghahanap pa rin ng venue para sa E-sports matapos hindi matuloy ang planong gawin ang naturang event sa Marriot Hotel. Ang billiards ay hinahanapan pa ng venue, dagdag ni Suzara.





Comments