Nag-leak LPG SUMABOG, 3 GRABE

LAPNOS at mga sunog sa katawan at mukha ang tinamo ng tatlong miyembro ng pamilya matapos sumabog ang LPG tank na nag-leak kahapon ng umaga sa Bgy. Sto. Cristo, Dasmariñas, Cavite.
Kinilala ni Police Supt. Nerwin Ricohermoso, ang mga biktima na sina Ronnieco, 54; Giselle, 44, at Gabriel Llantino Grana, 32, pawang mga residente ng Bgy. Sto. Cristo, Dasmariñas City, Cavite.
Alas-6:12 ng umaga, nagluluto ng kanilang almusal ang biktimang si Ronnieco nang makaamoy ito ng gas.
Dali-dali umano nitong tiningnan ang kanilang LPG tank at pinagtulungan nilang gawin subalit, dito na ito biglang sumabog.
Tumalsik ang tatlong biktima at tuluyang nagliyab ang kanilang bahay.
Agad naman itong naapula sa tulong ng kanilang mga kapitbahay at naitakbo sa pagamutan ang mga biktima.





Comments