top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mga Pinoy, tinawag na tamad; Tulfo, ipina-‘Tulfo’ ng isang Tulfo, ngek!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 16, 2019
  • 2 min read

PEKENG WATER SHORTAGE, IBINULGAR — Ibinulgar sa social media ng isang “Angel Salazar”, dating kawani ng MWSS na wala raw “water shortage” at kaya lang daw nagkaroon ng problema sa tubig o kakulangan sa suplay ng tubig sa Metro Ma­nila ay dahil sadyang ipinasara raw ng mga appointee ni P-Duterte sa MWSS, sa pa­mumuno ni Patrick Ty ang bypass ng La Mesa Dam para paboran ang kumpanya ng tubig.

Sa post ni Angel Salazar sa social media tungkol kay Patrick Ty, ito ang nakasaad “open the bypass (La Mesa Dam) and the problem will be solved.”

Nakita ninyo ang kabalbalan ng mga bata ni P-Duterte sa MWSS. Napakaimportante ng tubig sa buhay ng tao, tapos ipinasara? Buwisit!

◘◘◘

KUNG HINDI DAHIL SA IBINUL­GAR NI ANGEL SALAZAR, BAKA HANGGANG NGAYON AY ‘NGANGA’ PA RIN SI P-DUTERTE SA WATER SHORTAGE — Maging ang Malacañang ay “nayanig” sa ibinulgar ni Angel Salazar kaya no choice si P-Duterte kundi utusan ang MWSS na gamitin na rin ang tubig ng Angat Dam para tustusan ng tubig ang mga apektadong residente sa Metro Manila.

Kung hindi gagawa ng aksiyon si P-Du­terte sa kabila na may ibinulgar na si Angel Salazar na kabalbalang ginawa ng mga Duterte appointee sa MWSS, sigurado, may epekto ito sa kandidatura ng mga “manok” niya sa eleksiyon, pramis!

◘◘◘

MON TULFO, SAPOL KAY RAFFY TULFO — Hindi nagustuhan ni TV-radio host Raffy Tulfo ang sinabi ng kanyang utol na si Mon Tulfo na tamad ang mga mang­gagawang Pinoy at dahil d’yan, binatikos ni Raffy ang kanyang kuya Mon sa pangma­maliit nito sa mga manggagawang Pinoy, da­hil para sa kanya (Raffy), da best ang Pinoy workers saanmang panig ng mundo.

‘Ika nga, ngayon lang nangyari na may nabalitang “Tulfo, “itinulfo” ng Tulfo”. He-he-he!

Para kay Raffy Tulfo, saludo sa’yo ang mga manggagawang Pinoy, palakpakan naman diyan!

◘◘◘

DUTERTE GOV’T., ANG TINGIN SA MGA RIDER, KRIMINAL? — Aprub kay P-Duterte ang batas na dapat lagyan ng malalaking plaka ang harap at li­kod ng mo­torsiklo para raw madaling mahuli ang mga kriminal.

Hay naku, sa lahat ng mga naging gob­yerno, ang Duterte gov’t. lang na ang tingin sa mga rider ay kriminal, tsk-tsk-tsk!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page