top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

KYUSI AT SAN JUAN, WAGI SA MPBL NAHIRAPAN SA MAKATI AT NAVOTAS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 16, 2019
  • 1 min read

NAGING unang pinakamababang seeded team ang Quezon City pero nagwagi ito laban sa top ranked squad nang umiskor ng 88-77 laban sa Makati kahit ang malakas na San Juan ay nahirapan din bago nagwagi sa Navotas noong Miyerkules sa MPBL Datu Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Ang Knights na seeded third sa pahirapang northern division ay halos humilahod kontra Clutch bago nakapanalo sa 81-76. Ang kanilang panalo ang tumakip sa inspiring victory ng Capitals kontra Super Crunch.

Naging perpekto ang laro ng Capitals kontra sa 15-game winning run ng Makati Skyscrapers at nakabawi ng panalo.

Ang Quezon City ang naging ika-15 diretsong biktima ng Makati, pero kinailangan ng Capitals na burahin ang masakit na karanasan upang balikan ang Super Crunch. Tumapos si Jay Collado ng career-high 27 points nang lumagare para sa Kyusi. Kumana ang Capitals ng 11 basket at manaig ng 33-percent shooting sa karibal.

May nagawang tig-15 puntos sina Hesed Gabo at Andoy Estrella habang si Peejay Barua ay may 10 para sa Capitals na umusad para sa isang panalo upang umabanse sa semis round ng northern division ng torneo.

Unang nagwagi ang San Juan sa tikas ni Mike Ayonayon. Marami naman ang sinipag sa San Juan na sina Larry Rodriguez at Larry Muyang. Isa ring veteran player na si Mac Cardona ay may 13 marka. Dumagdag si Muyang ng 10 puntos, 8 boards. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page