top of page
Pokwang.jpg

KATROPA, SA 3RD SPOT NA HOTSHOTS GANADO VS. GINS

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 16, 2019
1 min read

Photo : Fb Brave 22 Storm of Warriors

NILAGOK ng TNT KaTropa ang four-game winning streak matapos kalusin ang Alaska Aces, 92-78 kagabi sa 2019 PBA Philippine Cup sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Kumana si Carl Bryan Cruz ng 19 points at limang rebounds upang tulungan ang TNT na ilista ang 6-3 karta at sumalo sa third spot ng team standings kasama ang San Miguel Beer.

Maagang nagparamdam ng lakas ang KaTropa, hinawakan nila ang nine-point lead, 47-38 sa unang dalawang periods.

Hindi nagpabaya ang TNT sa third quarter upang manatili sa kanila ang bentahe, 74-62 papasok ng fourth period. Sa kaagahan ng payoff period, umararo ang KaTropa ng 11-3 run para umalagwa ang kanilang lamang sa 20, 85-65.

Samantala, pakay ng San Miguel Beer na pahabain ang kanilang winning streak sa lima pagharap nila sa Phoenix Fuel Masters na gaga­napin sa Panabo City Multi-Purpose Tourism Cultural and Sports Center sa Davao.

Tangan ang 6-3 karta, babanggain ng Beermen ang tigasing Fuel Masters sa 5 p.m. Kakapitan ng San Mi­guel Beer si five-time Most Valuable Player, (MVP) June Mar Fajardo upang ma­ku­ha ang pang-7 panalo at lumakas ang tsansa sa top two.

Target ng teams ang makapasok sa Nos. 1 at 2 spot pagkatapos ng 11-game elimination round dahil sa twice-to-beat incentive.

Bukod kay Fajardo, huhugot ng lakas si coach Leo Austria kina Arwind Santos, Alex Cabagnot at Marcio Lassiter. (MC/ATD)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page