top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Depinisyon ng EJK, sablay!

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 16, 2019
2 min read

HINDI raw makikiisa ang Pilipinas sa International Criminal Court (ICC).

Malaki ang tama ninyo!

◘◘◘

MALI ang depinisyon ng EJK na isinisisi lamang sa gobyerno.

Paano ang mga napatay na “kadres” sa panahon ng pagpupurga ng CPP-NPA sa ilalim ni Joma Sison?

◘◘◘

ALAM ng marami na nagkaroon ng maramihang pagpatay sa hanay mismo ng mga makakaliwang grupo.

Ito ang panahon kung saan nakahalata si Joma na may mga nakapasok sa kanyang hanay na hindi masikmura ang kanyang pamamalakad.

Ano ang ginawa sa mga hinihinalang DPA?

Hindi ba, pinagpapapatay?

◘◘◘

INAAKUSAHAN si Joma ng kanyang mga dating kasamahan na nagmistula umanong si Pol Pot, minasaker ang mga kapwa “komunista” na kumokontra sa kanyang liderato.

Hindi ba, isang klase rin ng EJK ang pagpatay sa mga “rebel­de” na ang suspek ay sila-sila rin?

◘◘◘

IBIG sabihin, ang EJK ay hindi lang dapat isinisisi sa gobyerno, bagkus ay maaaring maging suspek din dito ang mga makakaliwang grupo.

Gayundin, sa illegal drugs, hindi dapat isinisisi ang lahat ng “pagpatay” sa gobyerno dahil maaaring pinatay ang mga biktima ng kanilang mga “kasamahan” na natatakot “ikanta” o ibunyag!

◘◘◘

HINDI pa huli ang lahat para makasuhan ang mga utak ng pagpatay sa mga “rebelde” sa panahon ng pagpupurga.

Hanggan ngayon, malaya at marangyang nabubuhay si Joma!

◘◘◘

NAGAGAWA pa ni Joma na puksain si P-Digong, gayung may pananagutan din siya hindi lang sa pagpatay sa kanyang mga kahanay, bagkus ay pagpatay sa ilang miyembro ng AFP at PNP.

Hindi patas ang ilang media sa paglalarawan na masama ang gob­yerno dahil sa “EJK”, pero tameme sila sa “pagpatay” na kagagawan ng mga kalaban ng pamahalaan!

◘◘◘

DAPAT suriin ng kabataan ang kasaysayan ng Pilipinas.

Sila ang tunay na saksi sa mga nangyayari sa ating paligid!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page