6 yrs. old ni-rape ng lolo
Levi Gonzales
Mar 16, 2019
1 min read

SA kulungan ang bagsak ng 69-anyos na lolo matapos umano nitong gahasain ang isang bata sa San Franscisco, Quezon.
Ayon sa biktimang si alyas Baby, 6, inutusan umano siya ng kanyang ina na ilagay sa putikan ang alaga nilang baboy.
Pagdating sa lugar, agad umano siyang hinatak ng suspek na si alyas Domeng, saka dinala sa kanyang bahay at doon pinagsamantalahan.
Naaresto naman ang suspek sa isinagawang pagtugis ng pulisya.





Comments