3 sundalo, 2 terorista utas sa engkuwentro

TATLONG sundalo at dalawang miyembro ng ISIS terror linked na Dawlah-Islamiyah ang patay sa panibagong engkuwentro na naganap sa Lanao del Sur, araw ng Huwebes.
Ito ang kinumpirma ni Lt. Col. Gerry Besana, tagapagsalita ng Western Mindanao Command ng AFP.
Ayon kay Besana, sumiklab ang sagupaan sa pagitan ng mga tauhan ng 49th Infantry Battalion-Philippine Army at ng nasa mahigit sampung terorista alas-5:00 ng hapon sa Sitio Tagum, Bgy. Dinaigan, Tubaran.
Nagpapatrulya umano ang tropa sa nabanggit na lugar dahil sa impormasyong natanggap na may mga presensiya ng armadong grupo.
Tumagal ng halos dalawang oras ang bakbakan bago napaatras ang mga kalaban.





Comments