top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Pakistani, huli sa pekeng PH Visa

  • June Simon
  • Mar 15, 2019
  • 1 min read

HINULI ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Pakistani national na nagtangkang umalis ng bansa gamit ang pekeng Philippine visa.

Kinilala ito na si Salman Khan, 25, na na-intercept noong Lunes sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

Ayon kay BI Port Operations Division Chief Grifton Medina, si Khan na isang overstaying alien ay pinigilang makasakay sa kanyang flight makaraang mapansin ng BI officers ang Philippine visa sa kanyang pasaporte na mukhang peke na nakumpirma matapos isailalim sa forensic document laboratory.

Nagduda ang BI officers sa kanyang dokumento kaya nagsagawa ng secondary inspection ang mga awtoridad.

Nadiskubre rin ang fake BI departure stamp sa pasaporte ni Khan na lumalabas na siya ay dumating sa bansa noong November 18, 2018 na inisyu noong October 10, 2018.

Ayon sa BI, wala sa kanilang travel database ang arrival date ni Khan at ang tunay na nakita ng BI ay ang kanyang huling arrival sa Maynila noong June 2015.

Kasalukuyan itong nasa BI detention facility sa Bicutan, Taguig.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page