Lola patay sa sunog
- Pabs Hernandez III
- Mar 15, 2019
- 1 min read
NORTH COTABATO—Isang 85-anyos na lola ang namatay nang masunog ang kanilang bahay, kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Antipas sa lalawigang ito.
Ang biktima ay nakilalang si Presca Dag-oman, residente sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, bigla umanong sumiklab ang apoy sa bahay ng pamilya Dag-oman at dahil sa katandaan ay hindi na nagawang makalabas ng bahay ang biktima kaya ito nasunog at namatay sa nasabing insidente.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang mabatid ang sanhi ng sunog sa bahay ng biktima.





Comments