top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kaukulang multa sa driver ng pampublikong sasakyan na hindi magbibigay ng discount sa mga kuwalipika

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 15, 2019
  • 2 min read

Dear Chief Acosta,

Magandang araw! Nais kong malaman kung mayroon bang kaukulang parusa kapag hindi nagbigay ng dis­kuwento ang pampasa­herong bus sa pamasahe ng senior citizen? — Fred

Dear Fred,

Para sa inyong kaala­man, ang inyong katanungan ay tinatalakay sa Part I, (j) (42) ng Department of Transportation and Communications- Joint Administrative Order No. 2014-01 o mas kilala bilang “Revised Schedule of Fines and Penalties for Violations of Laws, Rules and Regulations Governing Land Transportation” kung saan nakasaad na;

I. VIOLATIONS IN CONNECTION WITH LICENSING FINE

j. All Other Violations of Traffic Rules And Regulations- This includes the following traffic violations

x x x

Fine: PHP 1,000.00

42. Failure to provide fare discount to those entitled under existing laws and pertinent Memorandum Circulars of the LTFRB.” [Binigyang-diin.]

Sang-ayon sa nabanggit na panuntunan, pinapatawan ng kaukulang multa na nagkakahalagang isang libong piso (P1, 000) ang mga driver ng pampubli­kong sasakyan, kabilang na ang mga pampublikong bus na hindi magbibigay ng kaukulang diskuwento sa mga kuwalipikadong indibidwal. Kasama na rito ang mga senior citizen, sang-ayon sa Section 4 (h) ng Republic Act No. 7432 na inamyendahan ng Republic Act No. 9257 o mas kilala bilang “Expanded Senior Citizens Act of 2003” kung saan nakasaad na:

“Section 4. Privileges for the Senior Citizens – The senior citizens shall be entitled to the following:

(h) the grant of twenty percent (20%) discount in public railways, skyways and bus fare for the exclusive use and enjoyment of senior citizens;”

Nawa ay nasagot namin ang inyong kata­nungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagka­kaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagda­gang impormas­yong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page