top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Iba't ibang programang handog ng PCUP caravan, abangan sa inyong lugar!

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 15, 2019
1 min read

DIREKTANG serbisyo ang pangunahing isinusulong ng Presidential Commission for the Urban Poor o PCUP para sa mga maralitang Pilipino. Sinisiguro natin na magiging pro-active ang ating ahensiya pagdating sa usaping serbisyo-publiko para sa ating mga kababayan.

Para sa inyong kaalaman, patuloy na nagsasagawa ng PCUP Caravan sa buong bansa kung saan naglilibot tayo kasama ng ating mga government agency upang makapag-abot ng serbisyo sa mga maralita. Nandiyan ang medical at dental mission, job fair, wellness at iba pa na tiyak na makatutulong sa ating mga kababayan.

Dahil ang PCUP ang nagsisilbing direktang tagapag-ugnay o direct link ng mga urban poor sa gobyerno, pinagsama-sama natin ang programa ng iba’t ibang government agencies sa pamamagitan ng PCUP Caravan upang maiparating ang serbisyo sa inyong lugar.

Tanong:Magandang araw! Gusto kong malaman kung saan at kailan gaganapin ang PCUP Caravan?

Sagot

Ngayong araw (March 15), magsasagawa tayo ng PCUP Caravan sa District 1, Tondo, Manila. Ngayong Marso 21, abangan ninyo kami sa Kalibo, Aklan. Ngayong Marso 29, nandiyan tayo sa Bgy. Dalahican, Mati City at sa Abril 2, nasa Mariveles, Bataan ang caravan.

Sa ngayon ay mayroon nang schedule ang PCUP Caravan ngayong Marso. Abangan natin ang schedule ng PCUP sa mga susunod na buwan. Ipagbibigay-alam namin sa inyo kung saan at kailan ang susunod na caravan para kayo ay maka-avail ng mga serbisyo.

Ang layunin ng PCUP ay linggu-linggo, mayroon tayong nabibigyan na direktang tulong sa masang Pilipino. Kung dati-rati ay kadikit ng PCUP ang demolisyon at ebiksiyon, ngayon, dahil sa pagtutulungan ng bawat isa, magiging kadikit na rin natin ang pagbibigay-serbisyo-publiko.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page