DRAGON BUTTERFLY, SHOO IN, ARTIKULO UNO PATOK SA WTA

MAGKAKASUBUKAN ng galing ang mga kalahok sa pagtikada ng Additional One Win in Group Races sa Santa Ana Leisure Park, Naic, Cavite ngayon gabi.
Sa pagsisimula ng karera sa Race 1, kung saan mag-uumpisa ang Winner Take All event pinapaboran ang Dragon Butterfly laban sa mga kalahok na Gentleman Jim , Sweet Dreams at Heat Resistant sa pagtikada ng Group Race (7-8).
Susunod na bibitawan ang pitong kalahok sa Conditional Race 10 (Merged) sa Race 2 at tatlong mananakbo ang pinagpipilian na kalahok na Sunshot, One In A Billion at couple entry na Faithful Wife at Courageous bilang pamoste sa Pick 6.
Sa Race 3, na umpisa ng Pick 5 event pinapaboran ang Bottoms Up, Maker’s Mark at Senor Lito, Believable. Limang kalahok ang maglalaban-laban sa Condition Race 9 (Merged) sa Race 4 at pinapaboran ang Shoo In, Already Feisty at Exhilarated.
Sa Race 5 walong kalahok ang maglalaban sa Condition Race (19) at pinapaboran ang Smart Tony, Prime Power Amazing Cole at Heart and Soul. Magiging parating ang Daanbantayan, Iron Curtain, Beautiful Chloe at Black Magic Woman sa Race 6. Sa Race 7, mahigpit na paglalabanan ang Couple Entry na Providence at Toscana laban sa Artikulo Uno na paratingan sa WTA, Pick 6, Pick 5 at Pick 4.
Tip ni Mang Ding: Race 1-Entry No.1 Gentleman Jim (6) Race 2-Entry No.2 Sunshot (6) One In A Billion (7) Race 3-Bottoms Up (8) Entry No.2 Race 4- Shoo In (5) Already Feisty (2) Race 5- Amazing Cole (5) Smart Tony (1) Race 6- Beautiful Chloe (5) Black Magic Woman(6) Race 7-Artikulo Uno (2) Entry No.5 Rocking Hill (7)





Comments