CEO ng Ethiopian Airlines umamin | B-737 MAX NAGKAPROBLEMA SA FLIGHT CONTROL
NAGKAROON ng problema sa flight control ang Boeing 737 Max 8 bago ito tuluyang sumadsad sa lupa.
Ito ang ibinulgar ng Chief Executive Officer ng Ethiopian Airlines na si Tewolde GebreMariam.
Dagdag pa nito, nahirapan ang piloto sa pagkontrol ng eroplano kaya pinahintulutan niya ito na mag-emergency landing.
Gayunman, nakatatanggap umano ng additional training tungkol sa flight procedures ng Boeing 737 Max 8 ang mga piloto ng Ethiopian Airlines.
Naniniwala rin si Gebre Mariam na may pagkakatulad ang dalawang insidente sa parehong modelo ng eroplano sa Indonesia.
Samantala, hindi nito kinumpirma na lahat ng Boeing 737 Max models ay dapat ipagbawal sa iba’t ibang airlines sa buong mundo.
Kinumpirma naman nito ang pansamantalang pagsuspinde ng Ethiopian Airlines sa lahat ng kanilang Boeing 737 Max aircrafts.
Patuloy pa rin ang imbestigasyon sa naturang insidente.





Comments