4TH Q’FINAL SEAT, TARGET NG TNT; 4TH WIN PAKAY NG BOLTS VS ROS

PUNTIRYA ng TNT KaTropa ang pang-apat na q’final seat at sumama sa early qualifiers na league-leading Phoenix, Rain or Shine at defending champion San Miguel Beer sa muling pagbabalik ng Philippine Cup sa Cuneta Astrodome na huling nilaro noong Enero 30 kung saan tinalo ng KaTropa ang sister team Meralco Bolts.
Haharapin ng TNT ang Aces ng 4:30 p.m. bago ang 7 p.m. na salpukan ng Meralco Bolts at Rain or Shine at target ng Bolts ang pang-apat na panalo sa siyam na laro para patatagin ang kampanya sa next round.
Papasok ang TNT dala ang 127-89 panalo sa kulelat na Blackwater Elite habang ang Alaska ay kasalukuyang nagdurusa sa pagkatalo sa NLEX Road Warriors, 91-70.
Sa kabila ng nanalo sa huling laban, hindi pa rin magiging kumpiyansa at magrerelax ang TNT dahil determinado ang Aces na manalo at umabanse sa next round. “Hindi puwedeng magrelax dahil malakas ang Aces. Kailangang maglaro ang players ko nang husto para masiguro ang panalo at pumasok sa q’finals,” wika ni coach Bong Ravena.
Si Roger Pogoy ang Best Player of the Game sa panalo ng TNT sa Blackwater at muling pangungunahan ang opensiba ng KaTropa katuwang sina Jayson Castro, Ryan Reyes, Kelly Williams, Troy Rosario, Jericho Cruz, at David Semerad.
Ipaparada ni Alaska coach Alex Compton ang kanyang mga bata na sina Chris Banchero, Jeron Teng, Chris Exciminiano, Sonny Thoss, Carl Bryan Cruz, Simon Enciso at Nonoy Baclao.
Ang laro ay mahalaga sa Meralco sa kanilang kampanya sa q’finals pero sa RoS ay hindi mahalaga kundi prestige lamang dahil pasok na ang ROS matapos payukuin ang reigning Governor’s Cup champion Magnolia Hotshots.
Ang gunners ay sina Chris Newsome, Baser Amer, Jeff Hodge, Jared Dillinger, Nico Salva, Reynel Hugnatan, Bryan Faundo at dating TNT Ranidel de Ocampo ang mamumuno sa opensiba ng Bolts kontra James Yap, Gabe Norwood, Maverick Ahanmisi, Jayvee Mocon, Mark Borboran at Raymond Almazan.
Walong playing days kasama ang tatlong provincial games sa Panabo, Ynares at Angeles ang natitira bago matapos ang elimination.





Comments