top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

2019 National Budget nakatengga, mga 'buwaya' nganga!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 15, 2019
  • 2 min read

MALAKING papel ang ginagampanan ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson sa interes ng taumbayan.

Siya lang ang senador na hindi tumatanggap ng pork barrel!

◘◘◘

PAMBIHIRA ang performance ni Sen. Lacson, hindi corrupt tulad ng kanyang mga kasamahan.

Hindi kandidato si Lacson sa 2019 election, pero patuloy niyang kinokontra ang "korupsiyon" ng mga mambabatas!

◘◘◘

KINATIGAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang posisyon ni Sen. Lacson na huwag lagdaan ang palsipikadong 2019 National Budget na naglalaman ng pork barrel.

Nakatengga ang 2019 National Budget sapagkat ayaw din ni P-Di­gong ng pagnanakaw ng mga buwaya sa Kongreso!

◘◘◘

ISANG dating hepe ng PNP si Sen. Lacson na unang nagpatupad ng “kamay na bakal” sa pagdisiplina sa kapwa pulis.

Sa totoo lang, ang mahigpit na pagpapatupad ng batas ng PNP ay orihinal na konsepto at naipatupad ni Sen. Lacson!

◘◘◘

ISANG epektibong plataporma ang ‘war on drugs’ at ‘war vs. criminals’ ang naghatid kay P-Digong sa Malacañang.

Tulad ni Sen. Lacson, naisagawa naman ni dating PNP Chief “Bato” dela Rosa ang plataporma ni P-Digong.

Natakot ang mga kriminal at nawala ang mga adik at tulak sa kalye!

◘◘◘

HINDI rin sinasanto at hindi kinukunsinte ang kapwa pulis na nasasangkot sa krimen, agad sinisibak at pinarurusahan.

Sa ‘war on drugs’, maraming pulis ang napatay, natanggal at nakasuhan!

◘◘◘

SAKALING magwagi si “Bato”, dalawang dating PNP chief ang papasok sa Senado na makasasangga ni P-Digong.

Isang dahilan din ito kaya nakapasok sa Magic 12 si “Bato” sa huling resulta ng SWS survey!

◘◘◘

MAY ulat na hindi raw tatanggap ng pork barrel si “Bato” sakaling magwagi itong senador.

Malinaw na ang pork barrel ay korupsiyon na naging “lehitimo at moral” sa demokratikong proseso sa bansa.

Kung paano ito matitigil ay isang malaking palaisipan!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page