2 pusher na bebot kulong

TIMBOG ang dalawang dalagang tulak ng iligal na droga matapos ang buy-bust operation sa Bgy. Balagtas, Batangas City.
Alas-11:30 ng gabi nang ikinasa ang nasabing operasyon laban sa mga suspek na sina Baisah Mocalbat, 28, at Sahira Lantong, 21, kapwa residente ng Bgy. Datu Esmael, Dasmariñas City, Cavite.
Narekober mula sa kanila ang nasa 15 gramo ng hinihinalang shabu at marked money na ginamit ng nagpanggap na buyer.
Ang dalawang suspek ang sinasabing supplier ng shabu sa nasabing lugar.





Comments