Tulong-trabaho, pirmado na — Digong

PIRMADO na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11230 o Tulong-Trabaho Act.
Batay sa nakasaad sa naturang batas, layuning pagyamanin pa ang technical-vocational skills ng mga Pilipino para makasabay sila sa nagbabagong demand sa trabaho sa bansa
Ito ay upang matugunan na rin ang problema ng unemployment sa Pilipinas.
Pinatitiyak din ng batas sa TESDA na mapalalakas nito ang iba’t ibang Technical-Vocational Education and Training (TVET) at magdagdag pa base sa demand ngayon na mga trabaho.
Nabatid na mas maraming Pilipino ang makikinabang dito na ang pondo ay manggagaling sa TESDA mula sa General Appropriations Act.
Gagamitin ito para ilibre sa selected trainings ang mga makukuwalipikang aplikante ng TESDA Board.
Kaugnay nito, inatasan naman ang TESDA na bumuo ng implementing rules and regulations sa loob ng animnapung araw sa oras na maging epektibo ang batas.





Comments