top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Mga misis idinahilang buntis | 3 MISTER NAGNAKAW, KULONG

Paul Lamsen
Mar 14, 2019
1 min read

HINDI nakaligtas sa kamay ng mga alagad ng batas ang tatlong mister makaraang matuklasan sa online buy-and-sell website ang kanilang mga ninakaw na mamahaling bisikleta kamakalawa ng umaga sa Lingayen, Pangasinan.

Kinilala ang mga nadakip na sina Nicanor Mamaril, Nirico Tapang at Richard Fernandez, mga nasa hustong edad, mga may asawa at naninirahan sa nabanggit na lugar.

Ayon sa imbestigasyon, nakita umano ng may-ari ng bicycle shop sa online buy-and-sell website na may ibinebentang mga bisikleta kaya natunton nito ang bumili na taga-Aguilar, Pangasinan.

Dahil dito, natumbok nila ang tatlong suspek na responsable sa mga nagaganap na nakawan sa nabanggit na bayan.

Aminado ang mga suspek sa ginagawang pagnanakaw gawa na mga buntis umano ang kanilang mga misis kaya nangangailangan sila ng pera para sa panganganak ng mga ito.

Nakapiit ngayon ang mga suspek sa Lingayen BJMP.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page