Kinulong sa oil smuggling, napawalang sala | 7 PINOY SEAFARERS NASA BANSA NA
- June Simon
- Mar 14, 2019
- 1 min read

NAKASAMA nang muli nina Capt. Arthur Talino, 1st Officer Florencio Eulogio, 2nd Officer Claro Allera, 3rd Officer Abraham Nodumga, Chief Engineer Rinnie Moneba, 2nd Engineer Gil Cruzada at 3rd Engineer Alvin Emperata ang kani-kanilang mga mahal sa buhay na naghintay sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa kanilang pagdating.
Ang grupo ay lulan ng Turkish Airlines nang dumating sa Pambansang Paliparan alas-7:03 ng gabi kasama si Presidential Adviser on Overseas Filipino Workers Affairs Abdullah Mama-o.
Ang pito ay kabilang sa 20 Pinoy na inaresto ng Libyan Coast Guard habang ang kanilang barko na M/T Levante ay nasa international waters.
Sinalubong sila ni Labor Secretary Silvestre Bello III na nangakong tutulong sa mga seafarer.
Matatandaang, hinuli ang mga seaman ng Libyan Coast Guard noong August 2017 sa hinalang sangkot sila sa oil smuggling.
Nauna nang pinakawalan ng Libyan government ang 13 tripulanteng Pinoy at naiwan ang pito na pawang mga opisyal ng barko.
Napan ang pito ng apat na taong pagkakakulong noong Nobyembre 2018 pero, napawalansala sila ng korte kamakailan sa tulong ng Department of Foreign Affairs at Philippine Embassy sa Libya.





Comments