top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Hamon ng Simbahan sa gobyerno: DEATH THREAT SA MGA PARI AT OBISPO, IMBESTIGAHAN

  • Madel Moratillo / Mylene Alfonso
  • Mar 14, 2019
  • 1 min read

HINAMON ng isang opisyal ng Simbahang-Ka­tolika ang pamahalaan na patunayan na wala silang ki­nalaman sa banta sa buhay ng mga pari at Obispo.

Giit ni Fr. Jerome Secil­lano, executive secretary ng Permanent Committee on Public Affairs ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa gob­yerno na paimbestigahan kung sino ang may kagaga­wan ng mga naturang death threat.

Hindi umano malayo ang posibilidad na may kina­laman ito sa mga pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa mga paring Kato­liko.

Binigyang-diin ni Secil­lano na ang mga pari ay mga mamamayan din ng Pilipi­nas na dapat bigyang-pro­tek­siyon ng gobyerno.

Nauna rito, isang Obispo at tatlong pari na ang lumu­tang at nagsabing nakata­tanggap sila ng mga pagba­banta sa kanilang mga buhay.

Ang mga banta ay nag­simula anila sa walang tigil na pag-atake ni Pangulong Duterte sa Simbahan at mga pari nito dahil sa kanilang pagtutol sa madugong kam­panya nito laban sa iligal na droga.

Kaugnay nito, wala uma­nong nakikitang dahilan ang Malacañang upang mag­pakita ng ebidensiya na hin­di galing sa gobyerno ang mga death threat laban sa pari at mga Obispo.

Ani Presidential Spokes­man Salvador Panelo, batay sa isinasaad ng batas ang burden of proof o ang obli­gasyon sa paglalabas ng ebi­densiya ay nasa nag-aakusa.

Ayon kay Panelo, dahil galing umano sa mga pari at Obispo ang akusasyong may kinalaman si Pangulong Du­terte o gobyerno sa mga banta sa kanilang buhay, da­pat sila rin aniya ang mag­patunay nito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page