DEROZAN, ALDRIDGE AT LEBRON BUMIDA SA SPURS AT LAKERS


KUMAMADA si DeMar DeRozan ng 16 sa kanyang team-high 33 points sa unang quarter habang si LaMarcus Aldridge ay may 10 sa kanyang 28 points sa third upang pamunuan ang bisitang San Antonio Spurs sa panalong 112-105 kontra sa Dallas Mavericks sa NBA game kahapon.
Tumulong ng 23 points si Derrick White, may 10 of 16 shots at 7 assists, habang nagbagsak si Davis Bertans ng tatlong 3-pointers, kabilang na ang dalawang big ones sa fourth quarter.
Nakuha ng San Antonio ang ika-40 panalo na may 52.4 percent para sa game at nakapagtala ng season-best six games. Sinisikap pa sana ng Dallas na gapangin ang pagdikit sa iskor sa kabuuan ng laro pero natalo sa ika-6 na consecutive game dahil naglalaro si rookie Luka Doncic kahit na maga ang kanang tuhod, nalimitahan sa 12 points at 5-of-18 shooting.
Samantala, nakatipon si LeBron James ng 36 points at 10 rebounds nang malampasan ng bisitang Los Angeles Lakers ang pinakamababang score sa first quarter ng season upang tuldukan na ang limang sunod na pagkatalo sa bisa ng 123-107 win kontra Chicago Bulls.
Nakatabo si Kentavious Caldwell-Pope ng 24 points, may 21 si Kyle Kuzma, Rajon Rondo ay may 14 points at 10 assists at habang may 10 points si JaVale McGee at 11 rebounds para sa Lakers. Umiskor si Robin Lopez ng 20 points, may 19 points si Otto Porter Jr. at 9 rebounds at si Kris Dunn ay may 18 points, 7 rebounds at 9 assists para sa Chicago. Leading scorer si Ryan Arcidiacono sa 14 points at 6 assists. (MC/ATD)





Comments