top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Bitay sa drug lord, aprub sa mga Pinoy; Team Duterte, nakaiskor?!

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 14, 2019
2 min read

BAD SA CBCP ANG PAGTAAS NG RATING NI P-DUTER­TE —Sa kabila ng panay na banat ni P-Duterte sa kagirian niyang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), sa latest survey ng Social Weather Stations (SWS) ay tumaas pa rin ng 76% ang satisfaction rating ng Duterte gov’t..

Masamang pangitain para sa CBCP ang survey na ‘yan kasi luma­labas na sa bangayang P-Duterte at Catholic Church, mas kampi sa pangulo ang mayor­yang Pinoy kaysa sa mga Obispo, boom!

◘◘◘

MAS GUSTO NG PUBLIKO ANG ‘LI­NGAP SA MAMA­MA­YAN’ NG INC KAYSA SA MGA PAMBABANAT NG CBCP SA GOBYER­NO —Kapag naglunsad ng “Lingap sa Mamama­yan” ang kapatiran ng Iglesia Ni Cristo (INC) ni Bro. Eduardo V. Manalo ay dinaragsa ito ng publiko at kapuna-puna nang pangunahan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang “Walk for Life” ay kaunti lang ang dumalo, ibig sabihin, “nilangaw” ito.

Pagpapakita ‘yan na mas nagugustuhan ng publiko ang “Lingap sa Mamamayan” ng INC kaysa sa mga pag-atake ng CBCP sa gobyerno, period!

◘◘◘

‘BITAYIN ANG DRUG LORD’, E­PEK­TIBO KAYA PA­SOK NA SI GEN. ‘BATO’ SA TOP 12? —Hindi lang rating ni P-Duterte ang tumaas kundi pati na rin ang ra­ting ng kanyang “ma­nok” na si dating Chief PNP Gen. Ronald “Bato” dela Rosa kasi sa latest survey ng SWS ay pasok na ito sa Top 12.

Tila umepekto na sa pulso ng publiko ang kadadakdak ni Gen. “Bato” na “bitayin ang drug lord” kaya pasok na siya sa survey, he-he-he!

◘◘◘

DROP BALLS NI ‘TOYANG’ SA RIZAL —Nagkalat na naman daw ang raket na drop balls ni “Toyang” sa Rizal.

Kailan kaya ipato-”tokhang” ni Rizal PD Col. Lou Evangelista si “Toyang”? Abangan!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page