top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

4 bebot huli sa aktong nagsa-shabu

  • Mylene Alfonso
  • Mar 14, 2019
  • 1 min read

ARESTADO ng mga tauhan ng Manila Police District Station 8, ang apat na babae na naaktuhang nagpa-pot session kahapon ng madaling-araw sa Rawatun St., malapit sa Carlos Palanca St., San Miguel, Manila.

Nasa kustodiya ng MPD-PS 8, ang mga suspek na sina Norhaya Haji-ali, 40; Diana Pinansilo, 38; Analyn Cofuentes, 36, at Angelita Gomez, 32.

Nagsasagawa umano ng anti-criminality campaign ang mga tauhan ng MPD-PS 8 sa pangunguna ni P/Insp. Rodelio Lingcong, alas-2:15 ng madaling-araw nang mamataan ang mga suspek.

Nang sitahin, nakuha sa kanila ang apat na sachets ng shabu na ang isa ay bukas na, dalawang piraso ng aluminum foil strips na may naiwan pang residue ng shabu, glass tube at dalawang lighters.

Nabatid na isang concerned citizen ang nagbigay ng impormasyon sa pulisya kaugnay sa iligal na aktibidad ng mga suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page