top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Tumakas sa checkpoint | 2 RIDING-IN-TANDEM TODAS SA PULIS

  • Jeff Tumbado
  • Mar 13, 2019
  • 1 min read

WALA ng buhay na bumulagta sa kalsada ang apat na lalaking lulan ng dalawang mo­torsiklo makaraang maki­pag­barilan sa pulisya sa Sta. Rita, Pampanga.

Ayon kay Police Col. Rhoderick Arma­men­to, directoral staff ni Police Brig. Joel Coronel, naglatag ng checkpoint kahapon ng madaling-araw ang Sta. Rita Police sa Bgy. Gasak nang balewalain ito ng apat na lalaki na sakay ng dalawang motorsiklo.

Humarurot umano ang mga suspek dahilan para habulin ng mga pulis.

Habang hinahabol, bumunot ng baril ang isa sa mga nakamotorsiklo at pinaputukan ang mga pulis na nauwi sa running gunbattle.

Ani Armamento, wala pang pagkakaki­lanlan ang mga napas­lang na suspek na hini­hinalang nakatakdang mangholdap malapit sa lugar. Narekober sa lugar ng engkuwentro ang 3 kalibre .45 at kalibre .38 na baril.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page