top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

PARAÑAQUE AT TAGUIG, NAGPAKITANG-TIKAS SA NBL

Alvin Olivar
Mar 13, 2019
1 min read

BUMIDA si Noy Ber­mudes sa panalo ng Para­ñaque Aces kontra Laguna Pistons, 95-84, noong Sa­bado sa pagsisimula ng Na­tional Basketball League (NBL) Season 2 sa Sta. Rosa Multi-Purpose Complex.

Umiskor ng 14 points si Aces para manguna sa pa­nalo ng Aces, ang nagkam­peon noong nakaraang sea­son sa bagong liga.

Gumawa rin ng 11 points si JR Galit para sa Aces. Nagtala naman ng 26 points ang bagong manlalaro ng Laguna na si Matthew Ama­yao ngunit hindi ito naging sapat para dalhin ang Pistons sa panalo.

Sa iba pang laro, nag-ambag ng 16 points si Nico Paolo Alcantara upang tu­lungan ang Taguig Generals na manaig kontra sa Das­mariñas Ballers.

Kapwa naman umiskor ng tig-13 points si Mike Sampurna at Nino Romano para sa Generals.

Nanguna si Jerome Garcia para sa Pasig Rios matapos guma­wa ng 22 points at 8 re­bounds sa kanilang panalo laban sa Zamboanga Va­lientes, 82-75.

Nag-impok naman si John Cruz ng 18 points at 18 rebounds sa panalo ng Bulacan Starks kontra sa Quezon City Rising Stars, 87-82.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page