Pangalan ng 2 celebrities na nasa CP ng napatay na drug supplier, secret?!

SABIT ang dalawang celebrities nang makita ang kanilang pangalan sa cellphone ng napatay na suspek na umorder ng ecstasy.
Pero, tumanggi ang PDEA na ibunyag ang kanilang pangalan.
Huh, bakit ang narco-politicians, ipinabubunyag ninyo?
◘◘◘
SINUSPINDE na rin ng Australia ang paggamit ng Boeing 737 Max 8.
Tsk-tsk-tsk!
◘◘◘
NAUNA nang sinuspinde ng China, South Korea, Argentina at Indonesia ang pagpapalipad ng Boeing 737.
Bilyong dolyares ang lugi riyan!
◘◘◘
PERO ang U.S., tameme pa rin sa malagim na aksidente.
Makaaapekto ito sa aviation industry at ekonomiya ng malalaking bansa!
◘◘◘
HINDI pa rin nagsasalita ang MIAA kaugnay sa pagbagsak ng Boeing kung saan dapat linawin nila kung gumagamit nito ang ilang airlines sa bansa.
Bakit kaya?
◘◘◘
LUMIIT daw ang kita ng Petron dahil sa bagsak na presyo ng diesel.
Ngek!
◘◘◘
MAGSASAGAWA raw ng cloud seeding para umulan sa tapat ng La Mesa Dam.
Drama lang!
◘◘◘
IDINEMANDA ng RCBC ang Bank of Bangladesh sa paninirang-puri.
Taktikang legal!
◘◘◘
HINDI raw lalagdaan ni P-Digong ang 2019 National Budget kapag natuklasan niyang may iligal dito.
Iligal na gawa ng mga nagpapanggap na “legal”.
Ha-ha-ha!





Comments