Mga Pinoy tinawag na tamad, hirit kay P-Duterte | MON TULFO, SIBAKIN!

KINONTRA ni Radio at TV Broadcaster Raffy Tulfo ang pahayag ng panganay na kapatid na si Ramon Tulfo noong Lunes kaugnay sa pahayag ng huli na “tamad ang mga construction worker na Pinoy”.
Ayon kay Raffy, hindi umano alam ng kuya Mon niya ang mga sinasabi nito dahil wala naman itong basehan.
“Katunayan hinahanap o mas preferred ng mga kumpanya sa abroad na kumuha ng mga Pinoy na trabahador dahil matiisin, masipag at masunurin sila”, ani Raffy.
Matatandaang, sa TV interview, sinabi ni Mon na kaya dumadagsa umano ang mga Chinese worker sa bansa dahil masipag ang mga ito ‘di tulad ng mga Pilipino na laging nagbe-breaktime at yosi lang nang yosi.
Dagdag pa ni Raffy, hindi porke’t magkapatid sila ay iisa ang kanilang pananaw sa isyung ito. Si Mon ay itinalaga ni Pangulong Duterte bilang special envoy to China.
Dagdag pa ng batang Tulfo, walang karapatang magsalita ang kuya niya laban sa mga manggagawang Pinoy kahit na ito’y envoy to China at dapat aniyang unahin ni Mon ang karapatan ng mga Pilipino at hindi ng mga Tsino.
Maging si Labor Secretary Silvestre Bello III ay kinontra ang pahayag ni Mon laban sa mga manggagawang Pinoy.
“Masisipag ang mga Pilipino at kayang makipag-communicate kaya gusto ng mga banyaga ang kanilang serbisyo”, ani Bello.
Dahil sa pahayag na ito, inuulan ng batikos si Mon sa social media ng mga netizen at hinihingi sa Pangulong Duterte na sibakin agad ito.
Ayon sa mga netizen, karapatan ng mga Intsik ang ipinaglalaban ni Mon at hindi ng kanyang mga kababayan.





Comments