top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Libreng training ng PCUP na magpapalakas ng community empowerment, panalo!

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 13, 2019
2 min read

HINDI lamang sa usapin ng lupa at pabahay kilala ang Presidential Commission for the Urban Poor o PCUP dahil kilala rin ito ng mga maralita sa pagbibigay ng makabuluhang trainings para sa pagpapalakas ng kanilang samahan o community empowerment. Isa rito ang programang tinatawag na Capacity Building. Layunin nito na mabigyan ng sapat na kaalaman ang ating mga maralita tungkol sa mga bagay na kapaki-pakinabang sa kanila.

Tanong: Magandang araw, Sir Alvin! Ako si Michael, treasurer ng neighborhood association sa Taytay. Itanong ko lang kung paano kami magkakaroon ng trainings sa lugar namin. Gusto ko sanang magkaroon kami ng livelihood training para sa kababaihan namin o kaya ay tungkol sa registration para maging homeowners association na kami. Maraming salamat.

Sagot

Ang PCUP ay mayroong programa na tinatawag na Capacity Building Program o CBP kung saan nagbibigay tayo ng trainings sa mga urban poor association (UPO). Kadalasan, ang ibinibigay na trainings sa ating mga UPO ay may kinalaman sa livelihood, batas pangmaralita, batas tungkol sa palupa at pabahay, organizational management at iba pa.

Minsan, ang ating mga kasamahan sa Urban Poor Affairs Office (UPAO) sa mga lokal na pamahalaan ay nagre-request ng trainings sa PCUP para sa kanilang mga nasasakupang UPO at federation. Ang UPAO ay namimili ng training base sa kailangan ng mga maralita sa kanilang lugar.

Nag-iikot din ang ating mga area coordinator sa iba’t ibang lugar upang magsagawa ng CBP sa mga UPO nang libre. Walang bayad o walang sinisingil ang PCUP sa mga training. Nagbibigay din kami ng certificate na patunay na kayo ay nakapag-training sa amin.

Para sa inyong dagdag-kaalaman, kung kayo ay accredited na UPO ng PCUP, mas madali ang ating pagre-request dahil kasama ito sa benepisyo ng pagiging accredited.

Kung gusto nating magkaroon ng training para sa inyong samahan, maaari kayong sumulat at mag-request sa PCUP. Ipadala ang inyong sulat sa DHC Bldg., 1115 EDSA, Project 7, Quezon City. Bababaan kayo ng ating mga area coordinator sa inyong lugar at ipoproseso ang inyong request.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page