top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

KORONA NG BOYS UNDER 10 SA ALBAY, PARA KAY USMAN

  • Eddie M. Paez, Jr
  • Mar 13, 2019
  • 1 min read

MATAMLAY ang ka­libre ni Mark Gabriel Us­man kung ikukumpara sa topseed na si Al-Basher Buto pero nagawang maita­kas ng una ang korona sa group ng Boys Under 10 sa Noel Rosal National Age Group Championships Luzon Qualifying Leg sa Legaspi City, Albay.

Umiskor si Usman ng lima at kalahating puntos para pangunahan ang pulu­tong habang si Buto ay na­kapagposte lang ng limang puntos para masadlak sa bridesmaid honors.

Si Usman ay may rating lang na 1793 habang si Buto ay halos dumampi na sa 2000 ang kartada (1989). Sa hatian ng puntos nauwi ang engkwentro ng dalawa noong round 4.

Si James Gilbert Barais, 7th seed at may rating na 1639, ang naging huling ka­sapi ng podium matapos itong makapagsumite ng 4.5 puntos mula sa apat na pa­nalo, isang draw (kontra kay Buto) at isang talo (la­ban kay Usman).

Sa kababaihan, si pre-tournament favorite Kaye Lalaine Regidor ang umang­kin sa titulo ng mga “ne­neng” na may edad 10-taon pababa matapos nitong ire­histro ang walang-dungis na limang panalo mula sa li­mang salang sa board. Ma­layong segunda si Bonjoure Fille Suyamin dahil sa na­kalap nitong apat na puntos habang pumangatlo si An­gel Minabel San Juan na may tatlong puntos.

Nakuha naman ni Gio Troy Ventura ang unang puwesto sa Boys Under 12 habang ang kanyang ka­tambal sa Girls under 12 ay si Jersey Marticio.

Kapwa sila nakapag-rekord ng tigli-5 puntos sa pa­ligsahang inorganisa ng National Chess Federation of the Philippines.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page