top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Kahit may tinatawag na ‘safeguards’ | Medical marijuana, malaki ang posibilidad na maabuso

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 13, 2019
  • 3 min read

BAGAMAN, may simpatiya tayo sa mga taong may sakit na nag-iisip na makatutulong sa kanila ang paggamit ng marijuana, hindi tayo sang-ayon sa panukalang i-legalize ang pag­gamit nito.

Naipasa na sa ikatlong pagbasa sa Kongreso ang Medical Marijuana Bill na naglalayong payagan ang paggamit ng marijuana sa ilalim ng superbisyon ng mga lisensiyadong doktor at ospital.

Gayunman, kahit may tinatawag na “safe­guards” o pag-iingat ang panukalang-batas na ito (House Bill 6517 o Philippine Compassionate Medical Cannabis Act), hindi pa rin tayo pabor.

Malaki ang posibilidad sa pang-aabuso ng paggamit ng marijuana kapag isinabatas ang legalisasyon sa paggamit nito.

Kahit “medical use” kuno alam naman natin ang mga tao — kapag makalulusot, ilulusot!

Sa kasalukuyan, iligal ang paggamit ng ma­rijuana ayon sa mga batas natin, kabilang ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ang marijuana ay galing sa halaman na cannabis. Sabi ng iba, maaari raw makatulong ang halamang ito sa pagbawas ng sakit sa ka­tawan ng mga may karamdaman, pagpigil ng pagsusuka ng mga dumaraan sa chemothe­rapy at nakatutulong din na maibalik ang gana sa pagkain ng mga taong mayroong HIV/AID ngunit, marami rin itong posibleng mga side-effect tulad ng pagkahilo, kapaguran, pagsu­suka, pagkalimot, schizophrenia at hallucina­tion (guniguni).

Gayundin, ang posibilidad na kapag sini­mulan mo ang paggamit ng marijuana ay isang hakbang ka na pagtungo sa ibang droga tulad ng heroin, cocaine at shabu.

Noong una, sang-ayon si Pangulong Rod­rigo Duterte sa pag-legalize ng medical mari­juana. Mabuti na lang at may nag-abiso sa kanya na bagaman, makatutulong ito sa taong may sakit, mas malaki ang oportunidad na aabu­suhin ito, lalo na ng mga kriminal na sangkot sa droga.

Malamang, gagamitin ng mga drug lord ang batas para makapagpasok sa bansa ng iba pang droga na kunwari ay “medical use” na canna­bis.

Ipinaalala ni Pangulong Duterte sa publiko na nakasisira ng utak ang paggamit ng iligal na droga.

Sa U.S., ang hilig ng mga adik ay heroin at cocaine na galing sa halaman na poppy. Sa Pi­lipinas naman, shabu ang uso — sintetikong droga o purong kemikal kaya sabog talaga ang utak ng tumitira nito.

Sabi ng iba, mas okay daw humitit ng mari­juana dahil galing naman daw ito sa halamang cannabis, pero hindi rin.

Marami nang pag-aaral ang nagsabi na nakaaadik ang patuloy na paggamit ng mari­juana, gayundin maaaring masira ang utak at kalusugan ng gagamit nito.

Kapag nasanay ka raw sa marijuana, haha­napin mo ang kakaibang “high” na mayroon sa mas matatapang na droga tulad ng shabu, cocaine at heroin.

Ayon kay P-Duterte, gagamitin lang daw ang pagiging “medical use” ng marijuana para mag­tanim ng maraming cannabis.

“Sabihin, medisinal. Lahat na lang pang­medisinal na. Excuse lang ‘yun. Hindi sa pa­nahon ko, hindi sa termino ko. Baka sa ilalim pa ng ibang pangulo, puwede ninyong ga­win,” dagdag pa ng pangulo.

Ayon sa kampo na pro-medical marijuana, marami na raw research na nagsasabing may­roon itong mabuting tulong.

Ito raw ang dahilan kaya sa U.S. at Europa ay pinapayagan na ang marijuana para sa “me­dical use”, pero sa totoo lang, hindi pa ganu’n kalakas at progresibo ang ating estado para pangasiwaan ang ganito ka-liberal na batas.

Eh, kung ‘yung palpak na Dengvaxia nga ay nakalusot, ano pa kaya ang pang-aabuso sa paggamit ng marijuana?

Matindi pa rin ang problema ng Pilipinas sa droga. Huwag nating bigyan ang mga drug lord ng “legal na oportunidad” para ipakalat ang ka­nilang nakamamatay na mga produkto.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page