top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

ACES, DIDIKIT SA PLAYOFFS,MAY LALAMUNIN O MAGUGULUNGAN?

  • Clyde Mariano/ATD
  • Mar 13, 2019
  • 2 min read

PUNTIRYA ng Alaska ang pang-apat na panalo sa anim na laro at palakasin ang kampanya sa quarterfinals kontra NLEX Road Warriors ngayon sa Philippine Cup sa Araneta Coliseum.

Haharapin ng Aces ang Road Warriors sa main game ng 7 p.m, matapos ang 4:30 p.m. engkwentro ng giant killer Columbian Dyip at Magnolia Hotshots kung saan determinado ang Car Makers na isama ang Hotshots sa listahan ng kanilang biktima matapos hiyain ang defending champion San Miguel Beer at Rain or Shine.

Determinado ang mga bata ni coach Alex Compton na manalo at lumapit ng dalawang laro para umabante sa next round at iwaksi ang pagkatalo sa Magnolia Hotshots, ang koponan na tumalo sa Alaska sa Governor’s Cup finals.

Kung manalo ang Alaska, kailangang talunin ng Aces ang Meralco at defending champion SMB na sumama sa league-leading Phoenix, Rain or Shine sa quarterfinals.

“We have to win this game to strengthen our bid in the quarterfinals,” sabi ni Compton na muling sasandal sa gunners na sina Chris Banchero, Jeron Teng, Chris Exciminiano, Simon Enciso, Nonoy Baclao at Sonny Thoss.

Itatapat ni coach Yeng Guiao ang mga kamador na sina Kevin Alas, Larry Fonacier, JR. Quiñahan. Philip Paniamogan,Mark Anthony Tallo, Kenneth Ighalo at dating Blackwater bigman John Paul Erram na makikipagsanib puwersa kina Raul Soyud at Asi Taulava sa low post.

Nasa pang-10 puwesto ang NLEX kasosyo ang North Port sa kartadang 2-5.

Kailangang ipanalo ng Road Warriors ang natitirang tatlong laro para maka­pa­sok sa next round. Hindi dapat magkumpiyansa ang Magnolia dahil may kakayahan ang Dyip na silatin ang Hotshots at dapat maglaro nang husto ang Hotshots para huwag sapitin ang kahihiyang nilasap ng SMB at ROS sa mga kamay ng Car Makers.

Muling sasandal si coach Chito Victolero sa kanyang mga hatchet men na sina Paul Lee, Mark Barroca, Jio Jalalon, Ian Sangalang, Rome de la Rosa, Robert Herndon at Rafi Reavis.

Natalo ang Magnolia ng apat na sunod na laro bago kinuha ang dalawang sunod na panalo kasama ang panalo sa Alaska.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page