top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

2 pekeng traffic enforcers tiklo sa kotong

Mylene Alfonso
Mar 13, 2019
1 min read

HULI ang dalawang lalaki na nagpapanggap na mga tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ng Manila City Hall at nangongotong sa mga motorista matapos ireklamo ng isang concerned citizen na nakakita sa kanilang ginagawa, kahapon ng madaling-araw sa Tondo, Manila.

Binitbit sa Manila Police District-Police Station 2, ang mga suspek na sina Noel Silva, 37, at Jay-V Gantang, 36.

Batay sa imbestigasyon, ala-1:20 ng madaling-araw nang maaresto ang mga suspek sa Jose Abad Santos Avenue. Ayon kay PO1 Narciso Ignacio, nagsasagawa ng anti-criminality operation sa Jose Abad Santos Avenue ang mga tauhan ng Padre Algue Police Community Precinct sa pangunguna ni PO2 John Roel Morandante, nang lapitan sila ng isang concerned citizen at isinumbong ang ginagawa ng mga suspek.

Pinapara umano ng mga suspek ang mga motorista at nangingikil ng pera sa mga ito.

Agad namang pinuntahan ang dalawa at nakitang nagbabantay sa daloy ng trapiko at nagkukunwaring miyembro ng MTPB.

Nilapitan ng mga pulis ang mga suspek at nang hingan ng identification card at mission order ay walang maipakita ang dalawa kaya sila inaresto.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page