11-anyos sex slave ni tatay

KULONG ang isang ama matapos umanong gahasain nang paulit-ulit ang kanyang anak sa Lucena City, Quezon.
Batay sa sinumpaang-salaysay ng biktimang si alyas Joan, 11, estudyante, nagsimula umano ang panggagahasa sa kanya ng amang suspek na si alyas Fred, 35, noong 2017 hanggang sa kasalukuyan.
Pinakahuli nang hatakin at dalhin siya sa kanyang silid at tinangka na namang gahasain.
Agad siyang nakahingi ng tulong sa kanyang ina saka nagtungo sa mga awtoridad na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.





Comments