top of page
Pokwang.jpg

SINO ANG MANANAIG SA MPBL PLAYOFFS, BATAAN O CALOOCAN?

MC/Alvin Olivar
Mar 12, 2019
2 min read

SISIMULAN ng MPBL Datu Cup ang playoffs ngayong Martes sa Bataan People’s Center bilang host team at maghaharapan ang top seeded squad Bataan Risers kontra Caloocan Supremos maging ang Manila at Bulacan ay magsisimula na rin ng kanilang best-of-three series.

Haharapin ng Bataan ang Caloocan sa main game ng 9 p.m. matapos ang bakbakan sa pagitan ng Manila at Bulacan ng 7 p.m.

Hawak ng Risers ang best record sa torneo sa elimination round, may 23 pagwawagi sa may 25 games. Nakabalikwas sa kanilang kampanya mula sa nakaraang season na halos mangulelat sa 8th place at ni hindi nakatuntong ng playoffs.

Isang big hit ito para kay basketball legend Jojo Lastimosa bilang head coach na siyang nangasiwa sa pagbalasa ng kanyang line up na dating pinanggalingan ni Gary David na ngayon ay hebigat nang team.

Naasahan ni Lastimosa sa Bataan sina Pamboy Raymundo, Byron Villarias at Ryan Batino, ex-pro Rob Celiz, guard Yvan Ludovice, Richard Escoto at ang nag-improve na si Gab Dagangon at iba pa. Haharapin ng Risers ang team na palaban na Supremos rin na dating league doormat.

Ngayong season, ang Supremos ay 8th seed at mapapalaban sa best team ng torneo.

Magsasagupa ang 4th seed Manila at ang no. 5 Bulacan sa kanilang best-of-three series.

Pinapaboran ang Stars kontra Kuyas, na nahirapan nitong nakaraan nang lisanin ng key players na sina Jorey Napoles at GBoy Babilonia na umakyat na sa pros maging si Hans Thiele.

Hawak ni coach legendary Philip Cezar, ang 15-time champion sa PBA, ibabalandra ng Manila ang All-Stars na sina Chris Bitoon at Aris Dionisio, ex-pros Riel Cervantes, Marvin Hayes at Marcy Arellano, Maclean Sabellina, Mac Montilla at Drian Celada.

Hindi naman padadaig ang Bulacan team nina JR Taganas, James Martinez, Stephen Siruma, at bagong recruits ex-pros Jason Melano, Jeric Cañada at ni Ogie Menor.

Laro sa Martes (Bataan People’s Center)

7 p.m. Manila vs Bulacan

9 p.m. Bataan vs Caloocan

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page