Sa gobyernong Duterte, ang sinisibak, inililipat lang at big boss pa!
- BULGAR

- Mar 12, 2019
- 2 min read
ANG SINIBAK SA DOT, GINAWANG BIG BOSS NG IBC-13—Napaiyak noon si newly appointed Department of Tourism (DOT) Sec. Bernadette Romulo-Puyat sa kanyang natuklasang overspending at pag-a-around the world ng dinatnan niyang DOT officials at dahil d’yan ay pinag-courtesy resignation niya ang lahat ng mga usec. at asec. ng DOT at kabilang sa pinagre-resign ay si Usec. Kat de Castro, kaya lang ayaw umano nitong mag-resign.
Dahil kapit-tuko sa puwesto, nagpasya si P-Duterte na alisin sa DOT si De Castro at itinalaga ito bilang board director ng IBC-13 noong Agosto 2018 hanggang sa gawing president at CEO (chief executive officer) ng gov’t. TV station na ito.
Ganyan kung buwisitin ni P-Duterte ang taumbayan kasi ‘yung sinibak ni Sec. Puyat sa DOT, ginawa niyang big boss ng IBC-13, buwisit!
◘◘◘
IMBES NA SUPORTAHAN ANG DEBATE, IBINASURA ITO NG COMELEC — Ibinasura ng Comelec ang hirit na debate ng “Otso Diretso” at militanteng “Labor Win” para sa lahat ng kandidato sa pagka-senador.
Pambihira, imbes na magpa-debate ang Comelec sa mga kandidato para malaman ng publiko ang plataporma at solusyong gagawin ng mga senatoriable sa mga problema ng bayan at mamamayan, eh, ibinasura lang ang debate.
Dahil d’yan, lumalabas na ang gusto ng Comelec na gawing batayan ng mga botante sa pagboto ay ang may maraming ads sa TV, radio, newspaper, tarpaulin, kumakanta, sumasayaw at kaapelyido ng mga trapo (traditional politician), pwe!
◘◘◘
HAPPY ANG MGA ‘MANOK’ NINA P-DUTERTE AT MAYOR SARA KASI HINDI NA SILA MATATANONG TUNGKOL SA TRAIN LAW —Panigurado, sobrang happy ang mga kandidato nina P-Duterte at Mayor Sara Duterte-Carpio sa pagbasura ng Comelec sa debate.
Hindi na kasi sila matatanong kung bakit suportado nila ang TRAIN Law ni P-Duterte na nagpataas sa presyo ng mga bilihin at nagpapahirap ngayon sa mamamayan, buwisit!
◘◘◘
MAGAWA KAYA NI P/COL. YANG NA IPA-’TOKHANG’ ANG ILIGALISTANG SI ‘CHRISTIAN?’—Bago na ang hepe ng Pasay City Police at siya ay si P/Col. Bernard Yang.
Tingnan nga natin kung kayang ipa-”tokhang” ni Col. Yang si “Christian” na may kontrol ng lotteng at bookies sa lungsod na ito, abangan!





Comments