Rider dedbol sa puno
Pabs Hernandez III
Mar 12, 2019
1 min read
CAGAYAN—Isang rider ang namatay nang aksidenteng bumangga sa puno ang minamaneho nitong motorsiklo, kamakalawa sa Bgy. Fugu, Tuao sa lalawigang ito.
Ang biktima ay nakilalang si Jaime Ballad, nakatira sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol si Ballad sa pagmamaneho ng motorsiklo kaya bumangga ito sa punongkahoy.
Dinala pa ng mga saksi ang biktima sa pagamutan, pero idineklara itong dead-on-arrival.





Comments