top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Nanay naglasing, nagbigti, dedo

V. Reyes
Mar 12, 2019
1 min read

PALAISIPAN pa rin sa pulisya ang motibo ng umano’y pagpapatiwakal ng ginang sa pamamagitan ng pagbibigti sa loob ng kanilang bahay sa Bgy. Talipapa, Quezon City.

Kinilala ni Police Inspector Juan Mortel ang nasawi na si Emgiela Palada Minorca, 24, walang trabaho.

Batay sa paunang imbestigasyon ni PO1 Christian Loyola, natagpuan ang bangkay ng biktima na nakaluhod at may nakapulupot na itim na kable sa leeg alas-10:30 ng Linggo ng gabi.

Ayon sa live-in partner ni Minorca na si Michael Angelo Galit, nang umuwi siya sa kanilang bahay ay naabutan pa niyang nakikipag-inuman ang kinakasama sa kanilang mga kapitbahay.

Nakisali umano si Galit sa inuman ngunit, hindi rin nagtagal ay minabuting matulog na dahil sa pagod sa trabaho.

Makalipas ang ilang oras, napansin ng kanilang kapitbahay na si Vilma Guillermo na nasa labas pa ng bahay ang 5-anyos na anak ni Minorca at naglalaro pero, madilim ang loob ng bahay nito.

Minabuti ni Guillermo na puntahan ang bahay ng biktima at dahil madilim ang loob ay ginamit niya ang flashlight sa kanyang cellphone at doon ay bumungad sa kanya na nakaluhod si Minorca at nakatali ang leeg ng kable.

Agad na humingi ng saklolo si Guillermo kaya nagising si Galit at isinugod ang biktima sa Vian Family Hospital subalit, idineklarang dead-on arrival.

Inaalam na ng mga awtoridad kung may foul play sa insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page