Mga mambabatas aminadong may 'pork' ang 2019 budget, ebidensiya na kinukunsinte ang korupsiy
- BULGAR

- Mar 12, 2019
- 2 min read
NAGAGALIT ang isang pasahero sa management ng eroplano sa Ethiopia.
Dalawang minuto siyang “late”, pero iniwanan na siya ng flight patungong Kenya
Bumagsak ang naturang flight, patay lahat ng pasahero.
Kumpirmasyon na hindi lahat ng “negatibo” ay masama!
◘◘◘
SINUSPINDE ng China ang pagpapalipad ng Boeing 737 Max 8 model na 2 beses nang bumabagsak at patay ang lahat ng sakay.
Isang mabuting desisyon!
◘◘◘
SA Pilipinas, walang linaw kung may ganyang klase ng eroplano na sinasakyan sa NAIA.
Dapat maglabas ng opisyal na pahayag ang MIAA kaugnay nito!
◘◘◘
AMINADO ang mga mambabatas na may “pork barrel” sa 2019 National Budget.
Patunay na ang korupsiyon ay kinukunsinte ng mismong Konstitusyon!
◘◘◘
INIYAYABANG pa ng 2 water utilities ang rasyon ng tubig.
Magtataas sila ng presyo!
◘◘◘
TINGNAN ninyo ang malalaking hotel at golf courses, patuloy ang pag-aaksaya ng tubig sa fountain at pagdidilig ng damo.
Ang “hirap” ay pang-ordinaryong tao lang, ang mga mayayaman ay hindi “nagsasakripisyo”, puro sila pagpapasarap!
◘◘◘
KUNG gustong makatipid sa konsumo ng tubig, elektrisidad at petrolyo ang gobyerno, bakit walang Executive Order na ipatupad ito?
Dapat iutos ang pag-i-install ng solar panel.
Pagbabawal sa pag-aaksaya ng tubig, paggamit ng mga inverter sa lahat ng gamit at pagbabawal sa paggamit ng “sasakyan” kapag Sabado at Linggo.
Ang mismong gobyerno ay “Asyong Aksaya”, pero gusto nilang magtipid ang mga dati nang gumagapang sa hirap!
◘◘◘
ANG pagtitipid ay para sa mga malalakas kumonsumo ng enerhiya, partikular ang gobyerno at mga korporasyon.
Paano mag-aaksaya ng tubig, gas at elektrisidad ang ordinaryong tao gayung “wala naman silang pambayad”?
◘◘◘
DIREKTANG inutusan ng Malacañang ang lahat ng ahensiya at korporasyon na itigil ang pag-aksaya ng enerhiya.
Mayroon bang ganyang “executive order”?
◘◘◘
AATASAN ng Department of Energy ang mga pribadong korporasyon na magtipid sa enerhiya.
Kusang nagtitipid ang mga ordinaryong Pinoy sa pagkonsumo ng enerhiya.
Isang taktika nila, tumambay sa mall para makatikim ng libreng aircon!
◘◘◘
MARAMING tao sa mall, pero tingnan ninyo, walang nakapila sa kahera.
Nagpapalamig lang sila sa mall.
He-he-he!





Comments