Kung si Maine, inamin na si Arjo… ALDEN, LIBRE NANG ILANTAD ANG IBANG BABAE
- BULGAR

- Mar 12, 2019
- 1 min read

OKEY na sa mga fans ni Alden Richards kung inamin na ni Maine Mendoza si Arjo Atayde. Hindi naman nila ipinipilit na magpatuloy ang tambalang AlDub kung labag naman sa kalooban ni Maine.
Mawawalan ng sinseridad at kredibilidad kung patuloy na papaniwalain ang publiko na may ‘something special’ pa rin sa tambalang AlDub gayung iba na ang laman ng puso ni Maine.
Suggestion ng ilang fans and supporters ni Alden, pumareha na rin siya sa ibang Kapuso stars na dating nali-link sa kanya tulad nina Julie Anne San Jose at Bea Binene.
Tutal, single na si Julie Anne dahil break na sila ni Benjamin Alves. Si Bea naman, walang inilalabas na karelasyon kaya libre siyang pumareha kahit kanino. After all, buddy-buddy sila ni Alden.
Hindi naman naaapi at nagmukhang dehado si Alden nang aminin na ng Dubsmash Queen si Arjo Atayde. Hindi naman nakadepende ang career ni Alden sa love team nila ni Maine dahil puwede siyang solo at puwedeng may kapareha.
Kung tutuusin, bentahe kay Alden ang kumawala sa tambalan nila ni Menggay. Malayang-malaya na siyang makakakilos ngayon at sumama sa mga kaibigan/co-stars niya na hindi maba-bash ng AlDub fans. Hindi na rin siya basta madidiktahan ng mga dating supporters ng AlDub!





Comments