top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Hirit ng ilang motorista, batas na may layong agapan ang kaliwa’t kanang krimen gamit ang motorsiklo

  • Ryan B. Sison
  • Mar 12, 2019
  • 2 min read

DALAWANG malalaking plaka, ito ang isinusulong sa Senate Bill No. 1397 o Motor­cycle Prevention Act 2017 na isinulat nina Senator Richard Gordon at Senate President Vicente “Tito” Sotto III kung saan layon ng batas na maagapan umano ang kaliwa’t ka­nang krimen na ginagamitan ng motorsiklo tulad ng “riding-in-tandem”.

‘Yun nga lang, hindi pa man naaaprubahan ang batas ay marami ng motorista ang hindi sang-ayon dahil anila, bukod sa dagdag ito sa abala at gastusin, problema rin ang mahabang proseso sa Land Transportation Office (LTO) dahil kung ang kasalukuyang plaka na isa ay pahirapan na ang pagkuha kung saan may mga pagkakataong umaabot pa ito ng ilang taon, paano pa kaya kung dalawa na at malaki pa? Hmmm…

Kaya palaisipan talaga kung sakaling ma­ipatutupad ang nasabing batas.

Gayunman, ayon sa Motorcycle Rights Organization (MRO), ang malaking plaka umano sa harapan ng motorsiklo ay maaari ring makaapekto sa kaligtasan ng marami dahil sa “aerodynamics” o ‘yung kapaha­makan nang dahil sa hangin, lalo na kung mabilis ang takbo ng motorsiklo.

Samantala, iba’t ibang opinyon ang ibinato ng netizens hinggil sa nasabing batas kung saan mas lamang ang hindi sumasang-ayon dito.

Dagdag pa rito, may mga nagsabi na kung gusto talagang maagapan ang mga krimen, mas mainam kung ipakakalat ang kapulisan sa iba’t ibang lugar kaysa magdagdag ng batas na wala namang kasiguraduhan.

Sa totoo lang, maganda ang layunin ng batas, pero kung iisipin nating mabuti, ma­raming kawatan ang matalino pagdating sa ganitong kalakaran, kaya posibleng hindi rin sila matutunton sakaling magkahulihan.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page